About the Mayor

Mayor Nerivi Santos Martinez Pic

Mayor Nerivi Santos-Martinez

1

Hindi na iba sa mamamayan ng Bayan ng Talavera kung sino si Nerivi Santos-Martinez. Una siyang nakilala noong 2006 bilang Municipal Administrator ng dating Punong Bayan Nerito Santos na siyam (9) na taong nagsilbi bilang alkalde ng Talavera.

Sa kanyang Pagiging Pambayang Tagapangasiwa, tuwiran niyang nakita ang mga kaganapan at pamamalakad ng isang bayan. Karanasang nagmulat sa kanya ngkahalagahan ng pagsisilbi sa taongbayan. Karanasang nagturo sa kanyana ang pakikipagkapwa tao ay sinusuklian ng pagmamahal ng taong bayan. Karanasang nagbigay sa kanyang kasiyahan dahil kahit na maliit na tulong ay may kapalit na taos pusong pasasalamat.

Nagmula sa isang simpleng pamilya na punong-punong determinasyon, bukas na kaisipan, at may paglingap sa tao. Namulat sa isang magulang na nagsilbi sa lokal na pamahalaan, na may paggalang sa maliliiit hanggang sa pinakamataas na nanunungkulan.

Sa labingsiyam (19) na taong pagsisilbi bilang inhinyero ng kanyang ama sa Lungsod ng Palayan at Cabanatuan, natutuhan niya ang mga paraan kung paano ang isang lunsod ay pamahalaan.

4

Kilala bilang mabait at tahimik na tao, si Nerivi Santos Martinez ay kaibigan ng lahat. Madaling lapitan, masayahin, may pang-unawa sa kapwa. Masipag, matalino, may respeto sa kapwa at higit sa lahat, isang maasikasong ina.

Sa kasaysayan ng Bayan ngTalavera, kauna-unahang babaeng nahalal bilang punongbayan si Mayor Nerivi Santos Martinez. Marami ang nabagabag sa kakayahan at kasukatan ng bagong halal na punongbayan. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, ang kanyang mga naging karanasan ang bumuo sa kanyang katauhan na maging handa at hinog para maging isang pampublikong lingkod.

2

At ito ang nagbunsod kay Mayor Nerivi Santos Martinez upang magsakripisyo dahil mahal niya ang Bayan ng Talavera, mahal niya mga mamamayan nito, mahal niya ang kanyang pamilya dahil sa dulo ng kanyang paglalakbay, ang kinabukasan ng mga kabataan ng Talavera, ang kinabukasan ng kanyang mga anak ay kanyang naisalang-alang upang mabigyan ito ng mabuting kinabukasan at makitang maging maunlad, mapayapa, malinis ang baying mahal.

Sa kanyang ipinakikitang kahandaan sa mga hamong hinanaharap, katumbas nito ang bagong pag-asa upang hindi lang magampanan ang tungkulin sa bayan kung hindi pati na ang maabot ang pangarap sa bayan.

Mayor Nerivi Santos Martinez, ang unang babaeng halal na Punongbayan ng Talavera.